Nagsagawa ng pamamahagi ng social pension para sa mga senior citizens na nagmula sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Tulunan, North Cotabato nito lamang ika-17 ng Abril 2024.

Ito ay pinangasiwaan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Treasurer’s Office.
Labindalawang (12) barangay sa bayan ng Tulunan, North Cotabato ang tinungo ng mga kawani ng kapitolyo upang personal na ihatid sa mga lolo at lola ang naturang tulong-pinansyal.

Nasa 1,681 na mga kwalipikadong senior citizens ang nakatanggap ng tig-Php6,000 na pension para sa 1st semester ng taong 2024.
Labis namang ipinagpapasalamat ng mga benepisyaryo ang pagsisikap at pagtutulungan ng pamahalaang nasyunal upang mabigyan ng atensyon at tugon ang pangunahing pangangailangan ng mga nakatatandang CotabateƱo.