Pormal ng inilunsad ng City Health Office (CHO) ng lungsod ng Davao ang Davao City Voluntary Donation Program nito lamang ika-17 ng Abril 2024.
Ang naturang aktibidad na pinamagatang “Be a Hero, Donate Blood, Save Lives!” ay ginanap sa Rizal Park na pinangunahan ni Dr. Tomas Miguel Ababon, Chief, CHO.
Maituturing din na naging matagumpay ang programa sapagkat marami ang nagpresenta hindi lamang mga empleyado ng gobyerno kundi pati na rin ang mga napaparaan.
Ang kaganapang ito ay tiyak na makahulugan sapagkat ito ay malapit na ring ipatupad sa iba’t ibang barangay sa Davao City kung saan ang mga barangay ay mabibigyan ng kani-kaniyang eskedyul ng sa ganoon ay makapaghanda ang mga boluntaryo na makapagbigay ng dugo na makakatulong sa marami.