Isa na namang mahalagang tagumpay para sa mga Dabawenyo ang opisyal na pagbubukas ng Professional Regulation Commission (PRC) Off-Site Service Center sa Mati City, Davao Oriental noong ika-18 ng Disyembre, 2024.

Ang pagbubukas ng PRC Off-Site Service Center ay isang katuparan ng matagal nang pangarap na nagsimula sa mga hamon at pagsubok.

Dumaan ang proyekto sa maraming proseso ng kolaborasyon at pagsusumikap, hindi lamang ng pamahalaang panlalawigan kundi pati na rin ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Gobernador Niño S. Uy, na ang pagbubukas ng PRC Off-Site Service Center sa Davao Oriental ay isang matibay na tanda ng kanilang hangarin na mas mapabilis at mas mapalapit ang mga serbisyo ng gobyerno sa mamamayan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *