Nagsagawa ng taunang Paskorela Competition ang Cagayan de Oro City alinsunod sa ‘Pasko de Oro 2024: Paskong Kauban ang Pamilya’ na ginanap noong Disyembre 17, 2024.

Ang naturang kaganapan ay inisyatibo ng City Tourism and Cultural Affairs Office katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno.

Samantala ang kampeon ay magkakaroon ng P60,000.00 cash prize, 2nd runner up P40,000.00 cash, at 3rd runner up P30,000.00 cash.

Ang Paskorela Competition ay higit pa sa isang paligsahan ng mga magagandang tricycle. Ito ay isang simbolo ng samahan at pagmamahal sa kapwa.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *