Tinaguriang kampeon at makakatanggap ng cash prize na nagkakahalaga ng P60,000.00 ang mga mag-aaral mula sa East City Central School sa Marching Band Competition 2024 na ginanap noong Disyembre 18, 2024 na isa sa aktibidad ng ‘Pasko de Oro: Paskong Kauban ang Family’ sa siyudad ng Cagayan de Oro.
Nakamit din ng East City Central School ang titulo bilang Best Band Major.
Sa nasabing aktibidad, pitong pampublikong elementarya ang lumahok sa Marching Band Competition.
Nanalo ang Puerto Elementary School ng 2nd prize at tatanggap ng 40,000.00.
Samantala, tatanggap din ng P30,000.00 cash ang 3rd runner up mula sa Bulua Central School.
Nakamit din ng Upper Carmen Elementary School ang titulo bilang Best Band Majorette.
Nagpasalamat ang Lokal na Pamahalaan ng Cagayan de Oro sa pamumuno ni City Mayor Rolando ‘Klarex’ Uy, gayundin sa City Tourism and Cultural Affairs Office ng lahat ng ahensya at pribadong sektor sa matagumpay na aktibidad.