Matagumpay na nakapagbahagi ang lungsod ng Tagum sa pangunguna ni Honorable Rey T. Uy, Tagum City Mayor at sa pamamagitan ng City Engineering’s Office (CEO) ng mga upuan at mesa sa Magugpo Pilot Imelda Elementary School nito lamang ika-18 ng Abril 2024.
Aabot sa 208 na upuan at mesa na yari sa bakal ang naipamahagi sa nasabing paaralan. Ang inisyatibong ito ay naging posible dahil sa Care for School Chairs Program ng lungsod ng Tagum.
Ang Care for School Chairs Program ay binuo sa layuning suportahan ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral kung kaya’t hindi na pinipili ng City Engineering’s Office ang pagbibigyan ito man ay pampubliko o pribadong paaralan.