Nakatanggap ng cash assistance nito lamang Abril 23, 2024 ang 67 na pamilyang biktima ng sunog sa Barangay Central, Mati City, Davao Oriental.
Ang pamimigay ng cash assistance ay mula sa inisyatibo ng mga tauhan ng Mati City Social Welfare and Development Office kung saan Php10,000 ang ipinamigay sa mga pamilyang nakaranas ng buong pagkasunog ng bahay habang Php5,000 naman ang natanggap ng mga pamilyang bahagi lamang ng bahay ang nasunog.
Ayon naman kay Ginang Saima Pasandalan, isa sa mga biktima ng sunog ay kanyang inihayag ang hirap na kanilang dinanas sapagkat kasama ng bahay nilang nasunog ay ang mga alaala ng kanyang pamilya.
Sa kabila ng kanilang dinanas ay malaki pa rin ang pasasalamat ng mga biktima ng nasabing sunog sa pamahalaang lungsod ng Mati sapagkat hindi sila pinabayaan ngayong panahon na sila ay may matinding pangangailangan.