Misamis Oriental- Nakiisa at nagsagawa ng lecture ang mga miyembro ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) 10 tungkol sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa katatapos lang na Community Outreach Program sa Barangay Tula, Alubijid, Misamis Oriental nito lamang Biyernes, Hunyo 16, 2023.
Sa naturang pagtuturo ay binigyang diin ang masamang gawain ng teroristang grupo at mga naging biktima ito.
Nasa 200 indibidwal ang dumalo sa naturang aktibidad.
Patuloy ang pagsasagawa ng iba’t ibang programa ang iba’t ibang sangay ng gobyerno upang maiwasan na marecruit ng komunistang grupo na walang ibang dala kundi paghahasik ng terorismo at hadlang sa pagkamit ng kapayapaan sa ating inang bayan.