Davao del Sur – Nagsagawa ng Medical Mission ang Pamahalaang Panlalawigan ng Davao del Sur para sa mga residente ng Sitio Datal Fitak sa Barangay Colonsabak, Matanao, Davao del Sur nito lamangvHunyo 16, 2023.
Ito ay upang magbigay ng mga serbisyong pangangalagang pangkalusugan na mas malapit sa mga residente, lalo na sa malalayong komunidad na halos walang access sa mga serbisyong medikal at kalusugan.
Isa sa pinakaliblib na lugar sa lalawigan na maituturing ang nabanggit na barangay kaya naman naisipan ng Pamahalaang panlalawigan ng Davao del Sur na dito isagawa ang medical mission sa pamamagitan ng Provincial Health Office.
Ang mga tauhan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ay nakibahagi rin sa nasabing aktibidad at namahagi ng libreng ice cream, school supplies para sa mga mag-aaral ng Tribal Filipino School ng Datalfitak, libreng tuli at food assistance para sa mga pamilyang naroroon.
Lubos naman ang naging pasasalamat ng mga residente ng nasabing lugar dahil sa mga libreng tulong na kanilang natanggap.