Malaybalay City, Bukidnon- Patay ang isang babaeng miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos ang engkwentro sa mga awtoridad nito lamang madaling araw ng Hunyo 17 sa Sitio Malinao, Barangay Antlers, Malaybalay City, Bukidnon.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng napatay na babaeng miyembro ng NPA na nag-o-operate sa lalawigan.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad sa tulong ng concerned citizens na may mga namataang armadong lalaki at babae na gumagala sa nasabing barangay kaya agad rumesponde ang mga miyembro ng Philippine Army at PNP na nagresulta sa 10 minutong engkwentro.

Nakuha mula operasyon ang matataas na kalibre ng baril gaya ng AK47 rifle, isang M14 rifle, dalawang improvised explosive device at isang detonating cord, dalawang blasting caps at mga personal na mga gamit.

Patuloy naman nagsasagawa ng follow-up operation ang awtoridad upang mahuli pa ang mga kasama nito at hinihikayat ang mamamayan sa kanilang kooperasyon para wakasan ang terorismo at inhursensya sa probinsya ng Bukidnon.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *