Sarangani Province – Namahagi ng libreng maintenance medicine at vitamins ang Lokal na Pamahalan ng Sarangani sa mga Senior Citizens sa Barangay Tango, Glan, Sarangani Province nitong ika-17 ng Hunyo, 2023.
Pinangunahan ni Honorable Rogelio D Pacquiao, Governor ng Sarangani ang aktibidad katuwang ang Sarangani Barangay Affairs Unit, Provincial Health Office at mga Barangay Officials na boluntaryong nakiisa sa pamamahagi.
Mahigit 300 na residente ang naging benepisyaryo na napamahagian ng mga gamot, vitamins at foodpacks.
Nagpapasalamat naman ang mga residente dahil sa ginawang tulong ng kanilang Lokal na Pamahalaan.
Ang mga ganitong aktibidad ang nagpapatunay na ang ating gobyerno ay handang tumulong pagdating sa lahat ng mamamayan na nangangailangan.