Top 1 sa Architect Licensure Examination (ALE) 2023 ang estudyanteng mula sa Ateneo de Davao sa kalalabas lamang na results ng Philippine Regulation Commission (PRC) nito lamang Hunyo, 15, 2023.
Kinilala si Mr. Fritz Mari Sangalang Sendrijas na nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Architecture noong 2022.
Ayon sa PRC, pinagunahan nito ang naturang eksaminasyon na may overall rating na 85.90% mula 2,924 out of 4,784 na pumasa sa buong bansa.

Samantala, nagpa-abot naman pasasalamat at congratulatory message ang eskwelahan kung saan nagtapos si Arch. Sendrijas dahil sa ipinakitang pagsusumikap at determinasyon nito.