Nasa 347 na senior citizens ang naging benepisyaryo sa “SurUy-SurUy sa Baryo: Serbisyong Pangkalusugan ni Mayor Klarex” na isinagawa sa Bulua covered court Cagayan De Oro City nito lamang ika-17 ng Abril 2024.

Ang naturang programa ay pinangunahan ni Hon. Rolando Klarex Uy, Alkalde ng syudad ng Cagayan de Oro katuwang ang City Health Insurance Office, City Health Office, JR Borja General Hospital, at suporta mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office, City Social Welfare and Development.

Sa isinagawang programa ay nagkaroon ng pamimigay ng libreng gamot, medical supplies at serbisyong medical.

Inilunsad ni Mayor Klarex Uy ang programa na SurUy SurUy sa baryo upang maiparating ang mga serbisyong medikal sa mga mamamayan.

Layunin ng programa na makatulong sa mga taong may limitadong kakayahan sa pinansyal na makakuha ng mahalagang pangangalaga sa kalusugan. Ito ay naglalayong mapabuti ang access sa kalusugan para sa lahat ng sector ng lipunan, lalo na sa mahihirap na komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *