Patay sa pamamaril ang isang tindero ng tinapay sa Barangay Kalumamis Guindulungan, Maguindanao del Sur nito lamang araw ng Martes, ika-16 ng Abril 2024.
Batay sa report ng PNP, kinilala ang nasawing biktima na si Datunot Manibpil na dead on the spot matapos ang pamamaril. Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa katawan na ikinasawi nito.
Lumalabas sa imbestigasyon na habang sakay ng motorsiklo ang biktima kasama ang mga paninda nitong tinapay nang sundan at pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek.
Natagpuan sa pinangyarihan ng krimen ang basyo ng .45 caliber pistol na pinaniniwalaang ginamit sa pamamaril.
Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang PNP para matukoy ang motibo at ang suspek sa krimen.