Patay ang isang Security Guard at sugatan naman ang kasama nito matapos barilin ng tatlong di pa kilalang suspek sa kanilang binabantayang planta sa Purok 9 San Martin Villanueva, Misamis Oriental nito lamang ika-17 ng Abril 2024.
Kinilala ang biktimang namatay na si alyas “Elso”, 58 anyos, katutubo at residente ng Davao City. Habang ang kanyang kasama naman ay dinala sa Hospital para magamot matapos nagtamo ng mga sugat sa kanyang ulo.
Base sa report, bandang 3:45 ng madaling araw, isang concerned citizen ang nagsumbong sa Villanueva Municipal Police Station at ipinaalam na pinasok at ninakawan ang nasabing lugar na nagresulta sa isang insidente ng pamamaril.
Nadala ng tatlong suspek ang mahigit Php1,300,000 pera at mga alahas na nagkakahalaga ng Php100,000.
Patuloy pa din ang Misamis Oriental PNP sa pag-iimbestiga upang mapanagot ang mga nagkasala at mabigyan ng hustisya ang mga pamilya ng mga nabiktima.