Nakatakdang isagawa ng Cagayan de Oro City Health Office ang anti-polio vaccination para sa maliliit na bata na magsisimula ngayong Abril 22, 2024.
Gaganapin ang vaccination sa iba’t ibang health Centers, malls at magkakaroon din ng house to house visit para sa nasabing serbisyo.
Ito na din ay ayon sa kautusan ng Department of Health na maglunsad ng Bivalent Oral Polio Vaccine Catch-up at Supplemental Immunization Activity sa loob ng isang buwan.
Ang target ng nasabing supplemental vaccination program ay ang mga 95% na mga batang nasa syudad na may edad 0-59 na buwan.
Layunin ng programa ang maiwasan ang paglaganap ng sakit na polio at mapanatili ang mataas na imyunidad sa sakit (proteksyon) laban sa polio sa pamamagitan ng pagbabakuna.