Namahagi ang National Commission of Senior Citizens (NCSC) Cluster 6 ng livelihood kits sa mga internally Displaced Person o (IDPs) at Friends Rescued (FRs) na mga senior citizen sa lungsod ng Pagadian, Zamboanga del Sur nito lamang Enero 6, 2025.

Mula sa 17 mga benepisyaryo ay 13 sa mga ito ay IDPs habang ang natitirang apat naman ay pawang FRs kung saan nakatanggap ang mga ito ng tulong panghanapbuhay sa ilalim ng Livelihood Seeding Program.

Ayon kay Program Development Officer Jorry Padayogdog, mahalagang hakbang ang nasabing programa para mabago at matulungan ang estado ng buhay ng kanilang mga benepisyaryo.

Kabilang sa livelihood kits na ipinamahagi ay ang sari-sari store packages, hog-raising materials, mga fruit stall, at rice retailing supplies kung saan ito’y itinugma sa mga partikular na panukala ng bawat benepisyaryo ng programa.

Bahagi rin ng programa ang Enterprise Development Training para masiguro ang sustainability ng negosyo ng mga nasabing benepisyaryo.

Ang Livelihood Seeding Program ay nakahanay sa Republic Act 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010 kung saan minamandato ng pamahalaan na mabigyan ng komprehensibong suporta ang mga senior citizen sa bansa.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *