Naging makabuluhan ang isinagawang seremonya ng pagkilala ng Nour Al-Huda Al-Islamiyyah Center sa Bryg Nonoyan, Baliguian, Zamboanga del Norte nito lamang ika-5 ng Enero 2024.

Naging Panauhing Pandangal at Tagapagsalita sa Seremonya si Police Captain Harris A. Ladja, Company Commander 905th Manuever Company, Regional Mobile Force Battalion 9.

Ang pakikibahaging ito ay nagbibigay-daan sa yunit na mas maunawaan ang mga pangangailangan at alalahanin ng iba’t ibang komunidad.

Sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga ganitong kultural at relihiyosong seremonya, ipinapakita ng PNP ang kanilang pangako sa pagkakaisa at pagtanggap.

Binibigyang-diin nito ang pagpapahalaga ng organisasyon sa pagkakaiba-iba at ang dedikasyon nitong maglingkod nang pantay-pantay sa lahat.

Ang gawaing ito ay kaakibat ng pinakamainam na gawi na tinatawag na “Paghijjatul Madrasah.”

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *