Pinarangalan at nagsilbing inspirasyon at magandang halimbawa ang katapatan ng isang security guard ng isang establisimiento sa lungsod ng Zamboanga nito lamang Enero 3, 2025.

Ibinalik ng security guard ng SM City Mindpro na kinilalang si Security Guard Yusop Salaide, ang isang pitaka na naglalaman ng pera at mga mahahalagang ID at cards matapos nitong mapulot ang nasabing wallet sa loob ng naturang mall at iturn-over ito sa Customer Relations Services Office.

Sa pamamagitan ng agarang aksyon at koordinasyon, ay agad na nahanap at naibalik muli ang napulot na pitaka sa may-ari nito.

Ang nasabing aksyon na ipinakita ni SG Salaide, ay hindi maituturing na isolated case dahil ang mga frontliners ng establisimiento na kinabibilangan ng security personnel, maintenance staff, at mga kinatawan ng customer service ay patuloy na ipinamamalas ang kanilang katapatan at integridad sa pamamagitan ng pagsisiguro na makabuo ng isang ligtas, matapat, at ‘welcoming’ na environment para sa lahat.

Noong buwan ng Enero hanggang Nobyembre ng nakaraang taon, aabot sa higit P5-M ang halaga ng mga mahahalagang kagamitan at cash ang matagumpay na na-iturnover ng establisimiento sa mga may-ari nito.

Malaki ang papel na ginagampanan ng mga frontliners sa pagtaguyod ng kulturang may tiwala at katapatan kung saan hindi lamang ito nagsisilbing inspirasyon para sa kanilang mga kasamahan sa trabaho kundi pati na rin sa komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *