Mas pinalakas na seguridad ang handog ng bagong baggage x-ray machine matapos itong ma-install nito lamang ika-6 ng Enero sa entrance ng Davao City Overland Transport Terminal (DCOTT).

Ang makina ay may kapasidad na humigit-kumulang 150 hanggang 200 kilo.

Ang kakayahan ng makina na matukoy ang parehong organic at inorganic na materyales, kabilang na ang mga matutulis na bagay, mga baril, mga bala, at iba pang mga ipinagbabawal na gamit, ay magbibigay daan para sa mas masusing inspeksyon at agarang pagtukoy ng mga posibleng banta sa seguridad ng mga pasahero at buong terminal.

Ang hakbang na ito ng Pamahalaang Lungsod ng Davao ay hindi lamang nakatuon sa pagpapahusay ng pisikal na seguridad ng terminal, kundi pati na rin sa pagbibigay ng kasiguruhan sa mga pasahero na at ang kanilang mga gamit ay protektado.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *