Pinarangalan ang limang pulis ng Police Regional Office 12 kasabay ng isinagawang Traditional Monday Flag Raising Ceremony sa harap ng Admin Building, Camp Gen Paulino T Santos, Tambler, General Santos City noong Enero 6, 2025.
Ito ay pinangunahan ni Police Brigadier General Arnold P Cardiente, Officer-In-Charge ng PRO 12, kasama si Ms. Edna C. Nebrija-Mahinay, Director II, Civil Service Commission, Regional Office XII.
Iginawad ang Medalya ng Kagalingan sa mga sumusunod na tauhan na sina Police Major Jennefer C Amotan; Police Chief Master Sergeant Agustin T Amualla, Jr; Police Master Sergeant Villy Roy C Talha; Police Staff Sergeant Raffy E Bayog; at Police Corporal Philip Bryan I Bautista para sa kanilang natatanging pagganap ng tungkulin sa pag-aresto sa Top 9 Most Wanted Person Regional Level sa Cotabato Province noong Setyembre 4, 2024.
“Maghanap tayo ng mas malaking inspirasyon upang magtagumpay sa ating mga tungkulin at magsikap nang walang pagod upang maihatid ang pinakamataas na pamantayan ng serbisyo sa mga taong ipinangako nating paglingkuran at protektahan. Dapat nating panatilihin at igalang ang tiwala at kumpiyansa na ipinagkaloob sa atin, tinitiyak na ito ay hindi kailanman mapapabayaan,” pahayag ni PBGen Ardiente.

