Nasabat ang baril at droga sa isinagawang buy-bust operation ng Cagayan de Oro City PNP sa Barangay Gusa, Cagayan de Oro City nitong ika-23 ng Abril 2024.
Kinilala ni Police Major Amier Naifh P Maruhom, Officer-In-Charge, Police Station 3, Cagayan de Oro City Police Office, ang naarestong suspek na si alyas โRickyโ, 33, walang asawa, at residente ng Barangay Gusa, Cagayan de Oro City.
Naaresto ang suspek sa mga operatiba ng PS3, COCPO sa nabanggit na lugar bandang 1:29 ng madaling araw.
Nakuha mula sa suspek ang anim na pakete ng hinihinalang shabu, isang Caliber .38 revolver, isang bala, isang color brown pouch, at Php500.00 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Ang kapulisan ng Northern Mindanao ay hindi sasantuhin ang lumalabag sa batas at hindi mapapagod sa paghuli sa mga gumagamit at nagbebenta ng ilegal na droga sa Hilagang Mindanao.
Panulat ni Edwin Baris