Naglunsad ng Urban Gardening Training ang Ministry of Agriculture Fisheries and Agrarian Reform sa Barangay Sagonsongan, Lanao del Sur noong ika-9 ng Mayo 2024.

Pinangunahan ng MAFAR – BARMM ang naturang aktibidad katuwang ang iba pang miyembro at residente ng nasabing lugar.

Kabilang sa isinagawang aktibidad ang pagtuturo sa mga Internally Displaced Persons ng tamang pagtatanim.

Nilahukan ng 250 IDPs ang naturang aktibidad na naglalayong turuan ng basic planting skills ang mga ito at makapagtanim ng pagkaing gulay at prutas.

Isa ito sa proyoridad na proyekto at inaasahang makakapag-imbita pa ng mahigit 3,000 na IDPs sa mga susunod pang training session.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *