Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa ilalim ng tulay ng Delta Bridge sa Barangay Salimbao, Sultan Kudarat Maguindanao del Norte pasado alas dos ng hapon noong ika-10 ng Mayo 2024.
Ayon sa report, isinilid ang biktima sa malaking sako, tinalian ang mukha gamit ang isang tela, kasama ang battery ng sasakyan, dumb bell o isang uri ng pabigat saka itinali sa alambre.
Naaagnas na ang katawan ng biktima kung saan pinaniniwalaang ilang araw na itong nakalubog sa ilog ng Rio Grande de Mindanao bago lumutang sa naturang lugar.
Wala pang pagkakakilanlan ang natagpuang bangkay na ngayon ay nasa punerarya na sa Cotabato City.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ukol sa motibo nang pagpatay sa naturang biktima