Ang Lampinigan Island ng Isabela City ay isang lihim na yaman ng Basilan na naghihintay na matuklasan ng mga manlalakbay at mga tagahanga ng kalikasan. Ang maliit na islang ito ay kilala rin sa angking daluyong, puting buhangin, at malinaw na tubig.
Talaga naman na mag-eenjoy ang mga turista dahil may iba’t ibang mga aktibidad na pwedeng gawin tulad ng cliff diving, paglalangoy, at paglalakad sa tabing-dagat.
Ang makulay na mga bahura ng koralyo na pumalibot sa isla ay puno ng iba’t ibang uri ng hayop na pandagat, kaya ito’y perpektong lugar para sa pagsusuri sa ilalim ng tubig.
Bukod dito, may iba’t ibang klase din ng ibon na makikita sa isla na siguradong magugustuhan ng mga pumupunta.
Isa sa mga tampok ng pagbisita sa Lampinigan Island ay ang pagkakataon na mapanood ang kahanga-hangang tanawin ng paglubog ng araw. Ang maaliwalas at payapang paligid nito ay ginagawang perpektong lugar pahingaan para sa mga mahilig sa kalikasan.
Sa maikling sabi, ang Lampinigan Island ay isang paraiso na naghihintay na masiyahan na nag-aalok ng pansamatalang pagtakas mula sa ingay at hirap ng buhay sa siyudad. Kaya’t halina at bisitahin ang isla na puwedeng bumago sa inyong araw at pananaw sa buhay.
Panulat ni Joyce Franco