Isinusulong ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) ang Drought Early Warning System (DEWS) para sa Agriculture and Water Security matapos magsagawa ng espesyal na pagpupulong sa Cagayan De Oro city nitong ika-14 ng Mayo 2024.

Binibigyang-diin ng Drought Early Warning System (DEWS) ang mga guidelines o protocol lalo na sa mga apektadong sektor na mga magsasaka gayundin ang pagbagal ng tubig.

Batay sa Localized Climate Outlook forecast mula sa taong 2022 hanggang 2050, ang lungsod ay makararanas ng bihirang pag-ulan gayundin ang “lesser precipitation” mula sa buwan ng Setyembre hanggang Nobyembre kung saan ito ang mga buwan na itinuturing na tag-ulan sa bansa.

Nagsagawa ng masusing pag-aaral ang mga miyembro ng CDRRMC sa nagawa ng DEWS bago ito naaprubahan ng mga miyembro at naisulong ang ordinansa ng konseho sa lungsod na ito.

Panulat ni Jovelyn J Dodoso

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *