Matagumpay na nagsagawa ng coordination meeting ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) nito lamang Mayo 16, 2024 sa Go Hotels, Butuan City.

Ang pagpupulong na ito ay dinaluhan ng mga kwalipikadong Community-Based Organizations (CBOs) mula sa Butuan City bilang paghahanda para sa pagpapatupad ng Negotiated Procurement – Community Participation bilang paraan ng procurement para sa mga programa ng ahensya.
Upang magbigay ng mahalagang gabay sa mga kalahok, naroon ang DSWD Internal Convergence Team, sa pangunguna ni Focal Persons Ma. Lea Alegarbes (Supplementary Feeding Program), Ryan Piamonte (Procurement Section Head), Gretchen Escala (Accounting Section Head), Marissa Garay Center Head-Home for Girls), at Cheril Jorta (EPAHP Focal Person – Home For Girls).

Kasama rin sa grupo ang mga kinatawan ng partner-agency ng EPAHP mula sa Department of Agrarian Reform EPAHP at Department of Agriculture.
Ang forum ay naglalayong tiyakin ang isang komprehensibong pag-unawa sa proseso ng pagkuha, talakayin ang mga estratehiya para sa epektibong pakikipagtulungan, at tugunan ang anumang mga potensyal na hamon.
Sa pakikipag-ugnayan sa mga organisasyong pangkomunidad na ito, ang inisyatibo ay naglalayong paghusayin ang lokal na partisipasyon at suporta sa pagtugon sa gutom at kahirapan – lalo na sa pagpapatupad ng mga programa at serbisyo ng pamahalaan.