Nagsagawa ng Serbisyong Pangkalusugan ang Pamahalaan ng Cotabato sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng serbisyong medikal at dental sa Barangay New Antique, Mlang, Cotabato nito lamang ika-16 ng Mayo 2024.
Pinangunahan ng LGU Cotabato ang naturang aktibidad katuwang ang Integrated Provincial Health Office (IPHO).
Matagumpay na isinagawa ang isang medical mission kung saan 377 na mga residente ang natulungan.
Sa nabanggit na bilang, 281 ang nabigyan ng libreng medical check-up, 32 para sa libreng dental services, pitong (7) nagdadalang-tao ang nakatanggap ng buntis kit, at 50 naman ang nakibahagi sa feeding program.
Nagbigay din ang nasabing programa ng kaukulang interbensyon sa mga batang may kakulangan sa timbang. Pitong kabataan ang binigyan ng pang-isang buwang complementary food pack o nutritional food pack. Sila rin ay sasailalim sa tatlong buwan na dietary supplementation upang maabot nila ang wastong timbang at tamang kondisyon ng kanilang katawan.
Layunin ng pamahalaan na maghatid ng serbisyo sa ating mga mamamayan sa bawat pamayanan ng isang maaasahan at masasandalang pagseserbisyo sa bayan.