Dead on the spot ang isang matanda matapos pagbabarilin sa sariling tahanan nito sa Barangay Camp Jas, Malabang, Lanao del Sur noong ika-15 ng Mayo 2024.

Kinilala ang biktima na si Lolita M. Booc na residente ng naturang lugar.

Batay sa nakalap na impormasyon, pumunta ang armadong suspek sa bahay ng biktima at hinahanap ang lalaking anak ng biktima ngunit wala sa nasabing lugar ang anak kaya’t ang matanda ang napagdiskitahan.

Ayon sa mga nakasaksi, isang lalaki ang pumaslang sa matanda at agad itong tumakbo matapos magawa ang karumaldumal na krimen.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *