Masayang nakilahok ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa isinagawang “Lab for all” Caravan sa El Salvador Gymnasium, Misamis Oriental nito lamang Mayo 16, 2024.
Pinangunahan ni First Lady Liza Araneta-Marcos kasama si Police Colonel Michelle A Arban, Chief ng Regional Medical and Dental Unit 10 katuwang ang Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Fire Protection, Department of Health at mga provincial hospital tulad ng Northern Mindanao Medical Center.
Tumulong din ang force multipliers at Advocacy Support Groups sa naturang programa.
Handog ng programa ang pamimigay ng libreng gamot para sa mga senior citizens, libreng excision pterygium, circumcision, maternal health services, acupuncture at tooth extraction.
Ang mga programang tulad nito ay napakahalaga upang masiguro na ang ating mga nakatatanda ay nakakakuha ng nararapat na pangangalaga sa kalusugan at suporta na kanilang kailangan.
Panulat ni Jovelyn J Dodoso