Dahil sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra insurhensiya ng mga iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay tuluyan ng sumuko ang isang supporter ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Zamboanga Sibugay, nito lamang ika-17 ng Mayo 2024.
Ang sumuko ay isang alyas “Eko” (CTG member Non-PSR Listed), supporter ng CTG Militia ng Bayan sa ilalim ay Guerilla Front Committee SECOM Feliciano “A”, nagsilbi rin bilang isang courier, look out at caretaker ng CTG group.
Patuloy naman ang paghikayat ng pamahalaan sa mga natitira pang miyembro ng CTG na sumuko na at gamitin ang tulong na iniaalok ng gobyerno sa pamamagitan ng E-CLIP at iba pang programa ng kasalukuyang administrasyon upang matulungan silang magkaroon ng bagong pananaw at mapayapang pamumuhay kasama ang kanilang pamilya.
Panulat ni JM