Pormal nang inumpisahan ang pagtatayo ng Regional Metrology Laboratory at DOST Misamis Oriental Provincial Science and Technology Office sa El Salvador City, Misamis Oriental nito lamang Mayo 20, 2024.
Ang programa ay nilahukan ng mga kawani ng ahensya na nagsagawa ng seremonya at groundbreaking sa lugar na pagtatayuan ng bagong opisina at mga laboratoryo.
Ang programang ito ay nagmamarka sa isang makabuluhang bahagi para sa DOST, na nangangako na paghuhusayin ang kanilang kapasidad ng serbisyo at tumanggap ng dumaraming bilang ng mga kliyente.
Ang Regional Metrology Laboratory ay mahalaga para sa lalawigan ng Misamis Oriental na magiging daan upang mapaghusay ang kanilang kakayahang maghatid ng tama at maaasahang mga serbisyo sa komunidad.