Naging matagumpay na naman ang isinagawang clean-up drive at mangrove tree-planting activity na pinangunahan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) nito lamang Mayo 24, taong kasalukuyan.
Ang naturang aktibidad ay isinagawa sa Barangay Tamisan at Barangay Lawigan kung saan ay aktibong nakiisa ang mga residente mula bata hanggang may edad at syempre pa hindi rin nagpahuli ang mga konsehal ng dalawang barangay.
Sinimulan ang aktibidad sa paglilinis sa mga baybayin na siya namang sinundan ng pagtatanim ng mga mangrove propagules.
Ito ay patunay lamang sa walang-sawang pagsisikap ng lungsod ng Mati na labanan ang climate change at pagguho ng mga baybayin.