Patay sa magkahiwalay na engkwentro sa pagitan ng militar at mga miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG), ang tatlong rebeldeng komunista, kabilang ang dalawang matataas na pinuno ng NPA sa Agusan del Norte at Misamis Oriental nito lamang Mayo 20, 2024 sa Gingoog City, at sa Misamis Oriental nmn ay nito lamang Mayo 21, 2024.
Ayon kay Lt. Col. Francisco Garello, ang commander ng 4th Infantry (Diamond) Division, iba’t ibang engkwentro ang naganap sa bayan ng Jabonga, Agusan del Norte at kinilala nito ang dalawang matagal nang lider ng rebelde na napatay na sina alyas Shaggy/Poldo, secretary ng Sub-Regional Committee 1 at alyas Erbing, Commanding Officer ng SRSDG Eagles, na ganap na nasa ilalim ng North Central Mindanao Regional Committee
Kinilala ang ikatlong NPA na napatay sa komprontasyon sa Bal-ason, Gingoog City, Misamis Oriental, na si Berto Dayong alyas Sadam/Jenel, isang combatant ng komunistang North Eastern Mindanao Regional Committee.
Sinabi ni Garello na walang nasugatan sa panig ng military at narekober ng hukbo sa mga lugar ng engkwentro ang dalawang M16 rifle, bandolier, magazine, mga bala, isang 9mm pistol, isang kalibre 45 pistol at personal na gamit ng mga rebeldeng komunista.