Sunod-sunod na pagbisita ang isinagawa ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa iba’t ibang barangay sa lalawigan upang ipaabot ang “Mass Anti-Rabies Vaccination at Veterinary Health Mission Program” ng kapitolyo para sa mga CotabateƱong may alagang hayop nito lamang ika-25 ng Mayo 2024.
Pinangunahan ng Office of the Provincial Veterinarian (OPVet) ang naturang aktibidad.
Tinungo ang iba’t ibang Barangay sa Cotabato tulad ng Minapan at Popoyon sa bayan ng Tulunan, Liboo, Inas, New Antique at Poblacion A ng Mlang, at Pinamulaan at Carugmanan ng bayan ng Banisilan.
Tinatayang 991 na mga pet at farm animal owners ang nakinabang sa naturang programa ng pamunuan ni Governor Emmylou “Lala” J. TaliƱo-Mendoza.
Sa kabuuan, umabot sa 16,163 na bilang ng pet, farm at poultry animals ang nabigyan ng mga serbisyo ng beterinaryo tulad ng anti-rabies vaccination, deworming, vitamin supplementation at treatment.
Layunin nito na magbigay prayoridad sa kalusugan ng mga alagang hayop at kaligtasan ng mga nag-aalaga sa mga ito.