Ibinahagi ng Lungsod ng Tagum sa pamumuno ni Tagum City Mayor Honorable Rey T. Uy ang cash assistance para sa mga residente ng Tagum na nangangailangan ng atensyong medikal nito lamang Mayo 24, taong kasalukuyan.

Personal naman itong iniabot ni Executive Assistant Ciara Isabelle Uy-Salazar.

Ang programang ito ay posible lamang sa inisyatiba ng Department of Social Welfare and Development.

Kabilang sa mga nakatanggap ng cash assistance ay ang mga nangangailangang sumailalim sa chemotherapy, dialysis at iba pa.

Ang lungsod ng Tagum ay patuloy na nagsusumikap na makatulong sa bawat residente lalo na sa mga lubos na nangangailangan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *