Dahil sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra insurhensiya ng mga kapulisan ng 1st Zamboanga del Sur Provincial Mobile Force Company katuwang ang Dumingag Municipal Police Station, Mahayag MPS, Tukuran MPS,Tambulig MPS, Ramon Magsaysay MPS, Molave MPS, Aurora MPS, 902nd RMFB9, Zamboanga del Sur MARPSTA at TOG9 TOWESMIN 903rd MC-RMFB9 ay tuluyang napasuko ang labing-anim na miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na ginanap sa DA Hall, Lower Landing, Dumingag, Zamboanga del Sur nito lamang ika-23 ng Mayo 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Jayson M Apana, Force Commander ng 1st Zamboanga del Sur Provincial Mobile Force Company, ang mga sumuko na sina alyas “Domi”, 52; si alyas “RR”, 29; si alyas “Martin”, 57; si alyas “Kulafu”, 23; si alyas “Akuk” isang lalake,35 anyos, si alyas “Pok”, 35; si alyas “Jemar”, 37; si alyas “Junior”, 59, si alyas “Inday”, 55; si alyas “Len”, 73; si alyas “Amer”, 38; si alyas ”Michelle”, 30; si alyas “Bett”, 27; si alyas “Jam”, 21; si alyas “Inday”, 18; si alyas “Tiboy”, 28; at lahat ay residente ng Barangay Dapiwak, Dumingag, Zamboanga del Sur.
Ang lahat ng mga sumuko ay suporter sa ilalim ng Defunct GF BBC, WMRPC sa pagsisiwalat ni alyas “Jorry” sa pakikipag-usap na isinagawa ng intel ng 1st ZSPMFC.
Sila ay nagsisilbing mata at tenga, mass organizer, at tagabili ng mga pagkain ng GF BBC WMRPC.
Ang mga nasabing sumukong miyembro ay binigyan ng mga groceries at cash gift at pinalaya na malusog ang pangangatawan pagkatapos ng panunumpa ng panunumbalik sa gobyerno.
Dahil rito, hinimok pa ng mga kapulisan ang mga natitirang miyembro ng NPA na sumuko at gamitin ang tulong na iniaalok ng gobyerno sa pamamagitan ng E-CLIP at iba pang programa ng kasalukuyang administrasyon upang matulungan silang magkaroon ng bagong pananaw at mapayapang pamumuhay kasama ang kanilang pamilya.
Panulat ni Kaye Francisco