Ipinagdiwang ng lungsod ng Digos ang pangalawang taon na sila ay insurgency-free ngayon lamang araw ng Sabado, Mayo 25, taong kasalukuyan sa The Atrium, Gaisano Mall of Digos, Digos City.

Ang naging tema sa taong ito ay “Stengthening Bonds: Fostering Continuous Peace throught Community Empowerment”.

Aktibong nakilahok sa naturang programa ang Philippine Army na nagpakitang gilas sa kantahan at may dala pang mascot na sundalo na labis namang ikinatuwa ng lahat lalo na ng mga bata.

Hindi rin nagpahuli ang opisina ng Philippine National Police na kabilang na rito ang SWAT, PNP Forensic Group at Davao Sur Police Provincial Office.

Ang lungsod ng Digos sa pamumuno ni Digos City Mayor Honorable Josef Fortich Cagas ay patuloy na nagsusumikap katuwang ang bawat ahensya ng pamahalaan upang makamit ang mapayapa at maunlad na komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *