Nagsagawa ng labinlimang (15) araw na intensibong pagsasanay ang ika-sampung batch ng “Capacity Development for Volunteer Responders of Cotabato Province” sa 602nd Brigade, Camp Lucero, Carmen, Cotabato nito lamang ika-26 ng Mayo 2024.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) katuwang ang Armed Forces of the Philippines at mga lokal na pamahalaan ng mga bayang nabanggit.
Bahagi ng training ay tungkol sa Standard First Aid and Basic Life Support, Basic Rope Rescue, Water Safety Orientation, Swift Water and Flood Rescue Training, Fire Suppression, Basic Map Reading and Navigation at Basic Field Skills Techniques at Incident Command System.
Tinalakay din ang “Responsible Sexuality Education, Values Education, at Conservation of Wild Life and Its Habitat” na bahagi ng pagpapalakas ng propesyonalismo at kredibilidad sa gobyerno.
Tinanggap ng 139 na mga kalahok ang sertipiko o katibayan na matagumpay nilang nakumpleto ang iba’t ibang kasanayan.
Layunin nito na mapaunlad ang mga kaalaman sa pagresponde sa panahon ng sakuna o kalamidad. Sila ay magiging kabilang ng rescue team ng probinsya sa mga komunidad.