Dahil sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra insurhensiya ng mga kapulisan ng 1st Zamboanga Sibugay Provincial Mobile Force Company katuwang ang Buug Municipal Police Station ay tuluyang sumuko ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) bandang alas 4:45 ng hapon nito lamang ika-23 ng Mayo taong kasalukuyan.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Ryan Jay R Capurcos, Force Commander, ang sumuko na isang lalake, 67 anyos, at residente ng Barangay Bulaan, Buug, Zamboanga Sibugay.

Siya ay kusang umamin na naging suporter siya ng CAMO Regional Urban Committee, Zamboanga Sibugay Chapter, WMRPC na nagsisilbing tagahatid ng mga pagkain at iba pang mga importanteng kagamitan.

Ang nasabing sumukong miyembro ay walang Warrant of Arrest at pinalaya na malusog ang pangangatawan pagkatapos ng kanyang panunumpa ng panunumbalik sa gobyerno.

Dahil rito, hinimok pa ng mga kapulisan ang mga natitirang miyembro ng NPA na sumuko at gamitin ang tulong na iniaalok ng gobyerno sa pamamagitan ng E-CLIP at iba pang programa ng kasalukuyang administrasyon upang matulungan silang magkaroon ng bagong pananaw at mapayapang pamumuhay kasama ang kanilang mga pamilya.

Panulat ni Kaye Francisco

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *