Nakatanggap ang 725 na tourism workers ng cash assistance mula sa Department of Tourism (DOT) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) nito lamang Mayo 27, 2024 sa Mati City, Davao Oriental.

Aabot sa halagang Php9,960 ang natanggap ng mga ito kung saan ay 184 ng mga benepisyaryo ay mula sa lungsod ng Mati, 83 mula sa munisipyo ng Governor Generoso, 28 mula sa Tarragona, 88 mula sa Manay, 41 mula sa Boston, 105 mula sa Caraga at 185 mula sa Baganga.

Personal na dumalo sa naturang programa si DOT Secretary Christina Garcia Frasco at DSWD Secretary Rex Gatchalian. Dagdag pa ni Sec. Frasco, “11 out of 100 Filipinos are employed in tourism”.

Binigyang-diin din nito ang hindi mapapalitang kontribusyon ng mga tourism worker sa ating lipunan.

Ang kaganapang ito ay naging posible lamang alinsunod sa programa ng Bayanihan sa Bukas na may Pag-asa para sa Turismo (BBMT) na programa ng pinagsanib na puwersa ng DOT at DSWD.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *