Ipinamahagi ang 495 packs sa mga residente ng limang Barangay ng Datu Salibo, Maguindanao del Sur noong ika-28 ng Mayo 2024.
Ang naturang aktibidad ay direktiba ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu katuwang ang mga kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office – Maguindanao del Sur, Acting Mayor at Vice Mayor ng naturang munisipalidad, at mga Kapitan ng apektadong barangay.
Ang layunin ng aktibidad na ito ay makatulong sa mga apektado ng naganap na military operation laban sa armadong grupo noong nakaraang linggo dahil na rin sa pangamba na muling sumiklab ang labanan.