Namahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Cotabato ng mga binhi at pataba sa mga magsasaka sa bayan ng Libungan, Cotabato nito lamang ika-28 ng Mayo 2024.
Pinangunahan ng Department of Agriculture ang naturang pamamahagi ng mga binhi at pataba sa humigit 389 na magsasaka.
Kabilang na rito ang pamamahagi ng binhi ng mais at pataba sa ilalim ng Corn Production Enhancement Program ng pamunuan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. kaagapay ang tanggapan ni Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. at ni DA XII Regional Executive Director Roberto T. Perales para sa rehiyon dose.
Umabot sa Php4.82M na halaga ng farm inputs ang ipinamahagi para sa 389 na benepisyaryo mula sa bayan ng Libungan.
Labis ang pasasalamat ng mga benepisyaryo dahil sa mga corn seeds at fertilizer na malaki ang maitutulong sa kanilang hanapbuhay”.
Batid ng mga mamamayan sa lalawigan ng Cotabato ang malasakit at seryosong pagbibigay ng serbisyo publiko ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng patuloy na pagpapaabot ng tulong sa nangangailangan katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.