Nagsagawa ng Training on Homestay Pilipinas ang Department of Tourism Caraga Region katuwang ang Provincial Tourism and Culture Office ng Dinagat Islands mula Mayo 28 hanggang Hunyo 3, 2024 na ginanap sa OPCEN Function Hall, Sta. Cruz, San Jose, Dinagat Islands.

Ang pitong araw na pagsasanay ay nilahukan ng Accredited Homestay na may Statement of Undertaking (SOU) at Accreditable Homestay Establishments sa lalawigan na naglalayong magbigay ng kasangkapan at bigyang kakayahan ang mga may-ari ng homestay na magpatibay ng isang pormal na sistematikong paraan ng pagtanggap ng mga bisita, at i-standardize ang kalidad ng serbisyo sa bansa – tinitiyak ang kaligtasan, kalinisan, at pagkakaroon ng mga silid at iba pang pangunahing amenity.

Higit pa rito, ang pagsasanay na ito ay pinagkalooban ni Hon. Ali Adlawan, Board Member/OIC-Provincial Governor ng Dinagat Islands, at G. Benlen Navas, Provincial Tourism Officer na naghatid ng kanilang natatanging mensahe sa mga kalahok na nagbibigay-diin sa kaugnayan ng 7-Days na pagsasanay bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga turistang patungo sa probinsya.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *