Boluntaryong sumuko ang pitong miyembro ng New People`s Army sa mga kasundaluhan ng 8th Infantry “Dependable” Battalion, Philippine Army sa Impasug-ong, Bukidnon nito lamang ika-28 ng Mayo 2024.
Isa sa mga sumuko ang kanilang Commanding Officer ng Headquarters Force Neo ng Northern Mindanao Central Mindanao Regional Committee na si alyas “Tazar” miyembro mula pa noong 1983 at anim pa mga miyembro nito.
Kasabay ng kanilang pagsuko ay ang boluntaryong pagsuko din sa kanilang mga armas na limang High Powered Firearms, apat na M16 assault rifles at isang AR18 rifle.
Ang pagsuko ng pitong miyembro ng mga New People`s Army ay bunga ng walang tigil na operasyon ng pamahalaan na nagsasagawa ng Modified Community Support program o MCSP Operators.
Patuloy naman na hinihikayat ng pamhalaan ang mga natitirang miyembro ng komunistang grupo na sumuko at magbalik-loob na para sa mapayapang pamumuhay at makasama ang kanilang mga pamilya.
Panulat ni Pat Fajardo