Isa-isang iniharap ng Department of Education o DepEd-Iligan ang mga nagwagi sa katatapos na Northern Mindanao Regional Athletes Association o NMRAA noong ika-27 ng Mayo 2024.

Nakakuha ang mga atleta ng 43 silver medals, 44 bronze, 63 Gold Medals at iba pang special awards.

Nakamit naman ng Iligan Voltz ang Second Runner-up sa NMRAA ngayong taon.

Ang mga Gold Medalists ay lalahok sa Palarong Pambansa sa Cebu City kung saan sila ang kakatawan sa Region 10.

Ang LGU naman ay magbibigay ng Php20,000 sa bawat atleta na lalahok sa Palarong Pambansa. Nagpapasalamat din ang DepEd sa suporta ng LGU sa mga atleta.

Layunin ng aktibidad na mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataang atleta na ipakita ang kanilang husay at talento, at makipagtagisan ng galing sa isang makabuluhang paraan.

Panulat ni Reena Celestine E Sendrijas

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *