Natuklasan ang Eden Nature Park and Resort o mas kilala sa tawag na Eden Garden noong 1971.
Dati itong naka-log-over at madamong lugar na kalaunan ay inayos at pinaganda. Ito ay napapalibutan ng libo-libong pine trees at dinesenyuhan ang mga bundok na maging terraces.
Sa ngayon, mayroong ng mahigit 100,000 pine trees ang nakakalat sa humigit-kumulang 80 ektarya na nagbibigay ng napakagandang backdrop ng iba’t ibang atraksyon sa Garden of Eden.
Noong 1990, ang Garden of Eden ay isang eco-tourism zone. Naisip ng mga may-ari na maaaring itong maging magandang lugar para sa kanilang mga corporate event dahil narin sa ambience nito.
Nagsimula ang operasyon ng Eden Nature Park and Resort noong October 1997. Sa paglipas ng mga taon, ito’y naging patok sa mga tao kaya pinalawak ng resort ang mga operasyon nito sa pamamagitan ng pag-aalok ng mga day tour package at guided shuttle tour sa paligid ng resort at pwede naring maggunita dito ng mga live-in corporate seminar, retreat, wedding reception at iba pang mga special events.
Napakaraming bagay na maaaring gawin sa 80 hectares na resort kabilang na rito ang iba’t ibang atraksyon katulad ng dining outlet, fishing village, butterfly garden, hydroponically-grown vegetables, flower and herb garden, adventure ride, at cultural village at marami ring ditong room at cottage.
Mayroon narin adventurous tourism activity ang Eden na para sa mga batang mahilig sa adventures. Una na rito ang Skyrider, na mas kilala bilang “zipline” na ipinakilala noong 2008. Pagkalipas ng limang taon, idinagdag ng resort ang Skycycle, ang una at hanggang ngayon ang nag-iisa sa Davao. Ang Skycycle ay naging patok, nagsimula sa 2 linya ng bisikleta hanggang sa naging 8 na ito.
Idinagdag din noong 2015 ang Skyswing na mas matinding rides. Ang Skyswing ay isang first-of-its-kind sa Davao Region.
Dahil masaya sa iba’t-ibang karanasan ang mga naging turista sa Eden nanguna ito sa listahan ng Trip Advisor na isang sikat na travel search engine, na maging “Things to Do” sa Davao City.
Sumabay din sa mga uso, panlasa, at pagbabago ang Eden kung saan papareho at tutugma sa kanilang brand na kalikasan at kalidad ng karanasan sa kanilang brand image. Habang nagbabago ang panahon, nakikibagay ito sa nagbabagong pangangailangan ng mga tao. Patuloy ang kontribusyon ni Eden sa industriya ng turismo sa Davao na mas determinado itong manguna sa kumpetisyon at laging nakabantay sa mas malalaking pagkakataon. Nais nitong iparamdam ang presensya sa bawat taong nag-iisip na pumunta sa Davao na ang Eden Nature Park ay dapat palaging bahagi ng kanilang listahan ng pupuntahan.
Samantala ayun kay Zaldy Magnaye, Eden’s President/CEO, isa sa naging dahilan sa paglago at pag-unlad ng Eden ay ang pagnanais nitong maging “work in progress”.
Ang “work in progress” ay tumutukoy sa patuloy na paghahanap ng mga lugar o bagay para mapabuti at sa mga pagkakataon na mapaganda pa ito. Ang Eden ay magsisikap na mapunan ang mga suhesiyon ng mga turista nito. Aniya, kung hindi man lalampas sa espektasyon ng mga tao sa pamamagitan sa pakikinig sa kanilang mga pananaw at gamitin ito bilang input kung paano patuloy na mapapaganda ang Eden.
Nagmula ang Eden bilang isang kagubatan, bukid hanggang sa naging isang nature park, at kalaunan naging isang multi-activity resort at nagpapakita na ang mga may-ari nito ay determinado upang ito’y pagandahin at paunlarin.