Kabacan, North Cotabato – Namahagi ng food packs ang mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 12 sa mga residenteng nasalanta ng baha sa Kabacan, North Cotabato nito lamang ika-21 ng Hunyo, 2023.

Pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 12 ang aktibidad kasama ang Provincial Social Welfare and Development Office at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

Mahigit 568 na pamilya ang naging benepisyaryo na napamahagian ng food packs na naglalaman ng anim na kilo ng bigas, canned goods, noodles at iba.

Nagpasalamat naman ang mga residente dahil sa kabila ng sakuna at pandemya ay agad nakapaghatid ng tulong ang pamahalaan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *