Misamis Occidental- Naghatid ng tulong pinansyal ang mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development sa 4,194 na indibidwal na ginanap sa Municipal Gymnasum, Tudela, Misamis Occidental.
Pinangunahan ang pamimigay ng financial assistance ni Governor Henry Oaminal kasama si Secretary Rex Gatchalian.
Ang mga natulungang pamilya ay lubhang apektado noong nagdaang shear-line na tumama sa probinsya ng Misamis Occidental.
Napag-alaman na 1,304 dito ang nasa Oroqueta City, 328 sa Panaon, 994 sa Jimenez, 295 sa Balingao, 387 sa Aloran, 291 sa Plaridel, 297 sa Concepcion, 298 sa Lopez Jaena, 298 sa Bayfront Arena Oroquieta, at 1972 ang taga Ozamis City.
Sa kabuuan bawat indibidwal ay nabigyan ng P13,680.00 sa ilalim ng Emergency Cash Transfer Payout ng DSWD.
Ito ang agarang tugon at tulong ng pamahalaan sa lahat ng mga apektadong mamamayan.