Malitbog, Bukidnon- Nagsagawa ng lecture ang mga miyembro ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) 10 patungkol sa National Tak Force to End Local Communist Armed Conflict sa Barangay Kiabo, Malitbog, Bukidnon nito lamang Martes, Hunyo 20, 2023.
Mahigit 200 indibidwal ang aktibong nakinig at nakilahok sa naturang pagtuturo.
Nakiisa rin ang mga tauhan ng Police Regional Office 10 sa pangunguna ni Police Colonel Dominador Estrada, Chief, Regional Community Affairs and Development Division 10 at Bukidnon Police Provincial Office na pinangunahan ni Police Colonel Restituto Lacano Jr, Officer-In-Charge.
Ilan sa serbisyong handog sa aktibidad ay libreng medical at dental check-up, libreng gupit, pamimigay ng food packs, pack lunch, libreng gamot, tsinelas, at nagkaroon din ng feeding program.
Sa huling bahagi ay nag turn-over naman ng solar lights sa naturang barangay hatid ng Revitalized Pulis sa Barangay Bukidnon na bahagi ng kanilang Quick Impact Project.
Ang naturang aktibidad ay patuloy na isinasagawa ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang umagapay lalong lalo na sa mga mamamayan na maralita.